Thursday, January 27, 2005

mirror

nothing extra ordinary happened today... it is just the same old sh*t i encounter everyday...

same shit different day.

hmmm.. not really.. half crap..

i've always enjoyed every minute of my life (half crap again)..

school is really tiring.. but that's the way it is.. everyone of us experience this stage.. being on the shoes of a teenager...

we feel:

lost,pissed-off,loved..

love...... the thing that kept me sane..

anyway, life is still the way it is...

and we must stay firm..

and stand still..

for everything has its reasons..

and purpose..

when everything seems to fall apart..

it's crap..

just let that moment pass.. and soon after, you'll realize that life is still good..

it's nice to breathe again...

mirror......

hmm.. i just realized that today i've always checked myself in the mirror... "what's wrong with my hair.. my eye bags suck... bla bla bla" wtf??

i just remembered what a friend of mine told me:

everything is beautiful... we just don't see it..

it striked a chord in me..

wake up..







i am a question to the world not an answer to be heard.

Im Still Here
John Reznick


Saturday, January 22, 2005

strepsils

note: long,masyadong detailed LOL
pasensya na.. ü

last night was awesome... ü



hehe nagpunta kami ng UPLB para manood ng gig.. kasama ko si papa, si migi at si karl.

hirap muna bago ang saya

kainis.. may pasok kami kahapon.. the day after ng fiesta kasi.. e dapat wala ng pasok un tulad last year.. kakapagod kasi.. pero ok lang! haha =) card giving din namin kahapon.. bumaba ako this quarter.. kailangan ko ng mag-aral nang mabuti para makasurvive pa rin ako sa cream section.. haha.. ayokong malipat ng ibang section.. mahal ko ang mga classmates ko kaya mag-aaral na ako nang ayos =)

4.00pm -dismissal-

yey! haha sa wakas.. 1 oras na lang at alis na kami papuntang UPLB.. ayun, nagpalit na kami ng damit ni Migy.. kumain sa chez kasama sina arik,cocoi,aaron at niki! haha tapos nung papunta na kami sa lobby (5pm kasi usapan na magkikita dun) nakasalubong namin sina pat at yvonne.. tos un hinatid kami sa lobby.. hintay namin si karl dun.. haha 10mins late! o 5mins ata.. basta late sya! LOL

tos nga pala, pinabaunan kami ni Arik ng oil control film! haha ang astig.. LOL

edi un na nga, tos pagkadating ni Karl, siguro after mga 5mins dumating na si papa!

byaheng langit.

haha.. eto gusto ko eh 'roadtrip'.. asa front seat ako.. asa likod naman sina karl at migi.. hahaha dapat sa likod din ako eh! pero dun ako sa una pinaupo ni papa.. ang alam ko talaga, hindi komportable si papa magdrive pag walang nakaupo dun sa driver's passenger's seat.. ung lahat ng sakay nasa likod.. kaya un..

soundtrip.. 97.1

si karl, kanta nang kanta.. haha =)

sa star toll way kami dumaan.. haha nabilisan nga ko sa patakbo ni papa eh! 140kph!! mabilis na un sakin.. kasi 100kph lang naman sya dati magdrive eh!! haha talaga naman...

after sa star tollway, medyo traffic na papunta sa Los Baños.. pero ayos lang talaga.. haha =)

andito na kami..

around 7 nakadating kami sa LB.. kain muna (Chowking kami) hahaha libre ni papa!! bwaha! edi un.. habang iniintay namin ung order namin, nagmagic muna ako! haha si karl ang biktima kasabwat ko na rin si migi nun.. haha..

edi un.. tapos na kaming kumain.. LOL

amp.. prinsesa ng sablay..

muntik na kong mabangga.. HAHA ang t*nga ko kasi.. kakahiya.. embarassing moment ko yun ehh.. Jeep pa ung muntik na makabangga sakin.. este, ang muntik kong mabangga.. haha dun lang kasi ako tumingin sa right eh asa left pala ung jeep!! AMP.. buti na lang talaga tumigil ako.. as in hindi ko talaga kita ung jeep... hayy... hahhaa ayoko ng isipin un... amp..

please lang wag kang magulat
kung ako'y biglang magkalat
mula pa noong pagkabata
mistula ng tanga!

san san nadarapa
san san bumabangga!!

Hari ng Sablay
Sugarfree

asan na ang baker hall

hahaha! ayan... edi yun.. sakay na ulit kami sa sasakyan.. dumaan muna kami dun sa map ng campus.. ang laki pala ng UPLB... aun.. haha "you're here" nakalagay yan dun sa map... syempre, hanap kami... tulong sina karl at migi sa pagnavigate dun sa map! haha ako naman.. wala!!!! may hang-over pa ng kat*angahan ko!! LOL

pero magulo talaga yung map.. hahaha tinitingnan ko si migi, tos umiiling sya kasi nga ndi nya alam kung pano kami makakapunta sa baker hall!! kaya nagtanong na lang kami sa mga peeps dun.. and un, sinabi nila yung directions...

and poof!! andun na kami!!

bakerhall

haha astig ung lugar.. astig din ung langit.... everything's perfect (except lang talaga dun sa k*atangahan ko) bumili kami ng ticket.. kakilala ni migi ung isa sa mga organizer ng event kaya nakapagpareserve sya ng tickets.. hahaha! wow... wala lang.. parang naalala ko ung mga previous concerts na napuntahan ko... hayy... edi un!! haha pasok kami sa loob ng hall!! haha mga kasing laki sya ng old gym!! wala pang masyadong tao pero it's almost 8 na nun.. hehe.. labas muna kami... inayos namin ung camera ni migy.. camera na may 11 shots! haha ayos lang... 11 most astig moments dapat un.. balik ulit kami sa hall... dun na kami nag-intay... hindi na muna pumasok si papa kaya kaming tatlo magkakasama.. three is a charm.. lol nagintay kami dun.. hehe pumunta muna kami sa tabi ng hall at umupo sa sahig.. kwentuhan... soundtrip... si karl, kanta ulit ng kanta.. si migi naman ewan? ahahaha basta... magkakatabi kami nun.. ako nasa gitna! (sabi ko senyo, masyadong deatailed to) loll.. edi un.. kwentuhan... chuck taylor... cellphones... yeah.. ayun...

9pm

LOL we picked our butts up the floor.. nagpunta na kami sa una para malapit sa stage! and un.. standing mode na!! LOL naghintay pa rin kami ng konting oras dun bago nagstart talaga..

front acts:
Hmm.. nakalimutan ko ung pangalan nung unang band..

haha basta ayos din sila... pwede na silang tawaging Rivermaya II kasi ung mga kinover nila songs ng rivermaya.. ayos din sila.. astig ung bassist..

Powa Band

hindi ako masyadong nakarelate sa mga songs nila! wtf? pero astig sila

ayan.. 2 lang naman yung front acts.. haha astig sila pareho...

6 cycle mind

"Sige pagkasama ka naman kitang kita ko ang ating kasiyahan" sila ang kumata nyan.. sila ang unang tumugtog para sa 'main acts'.. hahaha.. ayun.. basta andun kami... rocking the night away... screaming... kantahan... hahhaa... kakatuwa... tapos may nakatabi pa kaming mga epal... basta epal sila... LOL si karl naman, astig.... binabantayan kaming 2 ni migi.. sya daw kasi ang matanda! hahaha salamat siops! sya nga pala... tsk tsk... nasambot ni karl yung hinagis na t-shirt!!!!!!!!!!!!!!!!!! HAHAHAHA edi ikaw na nga!!! LOL

SPONGE COLA

amp.. dito na ko nagkampapaos!!! HAHA sila naman talaga pinunta ko dun eh!!! the moment the band stepped into the stage AMP, i was like "heck... sila yun.." ang astig........ andun si yael, si chris si gosh at siempre, si armo! =) haha sayang.. wala si wj.. ndi nakasama!! ndi tuloy nya nakita si yael nya!! HAHA haayyy... kinanta nila ang:

lunes
partisan
una
jeepney(pinaka-astig moment lahat ata sa crowd kumakanta)
ano pa ba.. basta madami pa!!

dinala ko pa yung cd ko at cd ni wj!!! pero ndi naman napapirmahan sa kanila.. wahahaha ASA
si migi hiniram ung sleeves nung sa cd... tingnan daw nya nung lyrics.. hahaa ako.. ewan.. basta andun ako.. ndi na patangatanga.. LOL si karl naman, ndi na yata nangalay sa pagrecord sa cellphone nya! hahaha

basta.... ayos! =)

naaalala ko ang mga gabing
nakahiga sa ilalim ng kalawakan

Session Road

sila ang huling nagperform.. hmm.. ndi ako makarelate sa mga kanta nila.. pero ayos lang... si migi, ang natamaan.. hahaha.. ang ganda daw kasi nung vox... hahaha EHEM.. edi yun, picture picture.. 2 shots na lang ata ang natira para sa session road.. hahahaha edi un.. medyo pagod na ko nun... paos na rin ako..

around 1am natapos... grabe... ang astig...... hindi ko to makakalimutan... =)

Ang pag-uwi

un.. tahimik na sa sasakyan.. radyo na lang yung maririnig...hehe.. napagod na... siguro, eto ung pinakagusto kong part... ang pag-uwi namin... =)

hinatid namin si migi sa bahay nila... hindi na kami dumaan ng calabarzon... si karl naman, nag-iisa na dun sa likod.. hehe.. tos un... hinatid din namin si karl sa bhouse.. =)

salamat sa inyo... papa,migi,siops... hehe masaya... 01.21.05 =)

pero teka, bago ako mawala sa tamang pag-iisip dahil sa kakaiisip sa mga nangyari kahapon LOL... kailangan kong maghirap nanaman... daming gagawin sa school... investigatory project, research paper... atbp!!!

at eto... paos pa ko hanggang ngayon... may radiodrama pa kami sa english sa monday! HAHAHA im dead meat!!! pero eto lang katapat nun:



=)

salamat ü

Sunday, January 16, 2005

im not alone

what's up with me?



HELL BUSY



out.ü

Saturday, January 15, 2005

ym

hahaha.. wala lang.. eto mga nakausap ko sa YM ngayong araw na to:

kakulitan
kakwentuhan
LOL















bow..

scientist



Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are

I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart

Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start

Running in circles
Coming in tales
Heads are a science apart

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard

Oh take me back to the start

I was just guessing
At numbers and figures
Pulling your puzzles apart

Questions of science
Science and progress
Do not speak as loud as my heart

Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh and I rush to the start

Running in circles
Chasing tails
And coming back as we are

Nobody said it was easy
Oh it's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be so hard

I'm going back to the start

cool song.. cool video.. haha =)

Friday, January 14, 2005

regular

regular...
normal...
ordinary..

unnoticed..

me..

hayy.. wala lang.. instead of degrading myself.. i'll just make use of my blog..

what happened today..

i came late for school.. 6am na akong nagising because the previous night, natulog ako ng maaga.. around 7.30.. then gising ako from 12-2 to do school stuff... nakakapagod kasi nung Thursday.. I was wasted and pissed off.. idunno... wrong timing ata yung chemistry meeting namin.. ... anyway..

nakakainis..

start of the cycle.... class+recess+class+lunch+class.. the only different thing we did today is that we had the evaluation for our teachers.. ayos lang naman.. this was the first time na binasta ko yung pageevaluate..

i just don't care anymore..

hayy.... today is the worst day of this week..

i've lost my wallet..
i came late..
i was wasted and pissed off..

i didn't even show up in our training this afternoon.. i just wanted to go home..

i don't feel right...

pero kahit papano.. may mga taong napatawa ako ngayong araw na to.. salamat sa inyo.. =)

maiiwasan bang sa bawat sandali
ikaw ang laman ng isip ko

Monday, January 10, 2005

bass

kakatapos ko lang gawin ang assignment namin.. hehe..

nangyari sakin ngayon:

Lunes, simula nanaman ng panibagong Linggo.. Papasok na ulit sa school..

alarm: 4.30am

ittext ko sana si siops nun.. pero nakatulog agad ako..

4.47am

gising na ko.. nakapagcompose na ko ng message pero amp.. ayaw magsend...

tulog muna ulit...

5am

ayaw pa rin magsend...... hindi ko alam kung anong problema...

kaya bumangon na ko at nag-ayos na....

6.30am

nakakain na ako't lahat, hindi pa rin ako makapagsend ng message..

6.45am

nasa sasakyan na ko papuntang school.... ayaw pa ring magsend.... nabulok na ang message ko na dapat ay nung 4.30 ko isesend... ayaw pa rin talaga... hayy.. nun ko lang naisipan na patayin muna ang cell phone ko... at yun nga.... ok na ulit sya... narecieve ko yung messages ni siops... late na....

walang magagawa....

7.10 nakadating na ko ng school... naiinis ng konti dahil sa nangyari sa cell phone ko... haha

nag-ayos ng gamit.. nag locker...

7.15

kanta ng lupang hinirang... nagdasal ng rosary (lagi namin tong ginagawa)

7.40-8.40
homeroom namin.. may pinasagutan samin tungkol sa career... kung anong pipiliin namin... things like that...
ako naman... ok lang... wala pa talaga akong maisagot na ayos sa papel na yun...basta nilagay ko na gustong kong magka-career na related sa field ng science at research....

tapos may tanong dun:

ano daw gagawin ko kung hindi ako nakapasa sa mga colleges na inapplyan ko... ang sagot ko:

i would get into a band... play some music... earn some money... and live my life my way... hahaha...

siguro nga...

tapos nun.. may bago na kaming seating arrangement... every quarter ginagawa namin yun... so eto na ang last seating arrangement namin.. katabi ko si yvonne.. hahaha ayos! malapit din sakin sina chamie, arik, pat, mykel, anton.. etc.. basta.. masaya dun sa lugar ko... =)

8.40-9.40

english time..

Paragraph development through comparison and contrast and analogy..

i was asked to read an example... darn.. wala lang...

avocado... wtf? i said it right naman ah (sorry for the coñotic way of saying this hahaah)

9.40-10.40

math time... discussion about the area of parallelogram and rhombus..

eto formula:

A of parallelogram= bh

A of rhombus=1/2(d1*d2) subscript dapat ung 1 and 2... d for the diagonal...

ewan.. basta ganyan... nagsagot ng mga examples... tapos yun na...

10.40-11am

RECESS... dun lang ako classroom.. tinamad akong bumaba...

11-12pm

computer time with mrs. russel... heheheh..

masaya... oh darn... nga pala... may binigay si miss na hand out regarding ascii... i think programming ulit kami this last quarter...

actually, hindi pa nagsimulang maglesson si miss... we just had fun for 1hour.. astig talaga si miss..

12-1pm

LUNCH...

nagulat ako kasi pumunta sa room namin ung ibang chatters... hinahanap ako... sabi ni lora hinahanap daw ako nina yelle at chatterbug.. tos un.. dumating din si mcoy sa room.. tinawag ako... may tatanong pala si yelle... tungkol dun sa pagreregister sa cservice.. ayun..

then, punta kami sa food palace.. daming tao.. kaya sa chez na lang kami bumili ni yvonne.. nakita ko si siops dun.. konting usapan... tos un.. nakalimutan kong magpa-autograph.. hahahah

pagkabili namin sa chez, punta kami sa may shed malapit sa centen (as always).. dun kami kumain ni yvonne...

1-3pm

nanood ng band concert... astig din naman... kulitan dun sa lugar namin... kinukulit ko yung nasa una ko.. haha si chamie... may kiliti pala sa leeg.. LOL..

magaling ung bassist... =)

3-5..

asa outside court.... may training kami dapat.. pero .. hehe... sa thurs. na lang...

5.30

dumating sundo ko... uwi na sa bahay..

ayun...

so boring....

i think eto na pinakamahaba kong entry so far..

haha

kung may bumasa man.. salamat sayo..

gandang gabi..



Sunday, January 09, 2005

popcorn

wwwwwwwweeeeeeee haha wala lang.. masaya ako ngayon... LOL

ganito nangyari sa araw ko ngayon:

pagkagising ko, mga around 7:40 siguro yun, binuksan ko agad yung PC (as always).. OL agad ako.. hahaha... tos yun, napatawa nanaman ako sa mga comment ni ken.. hahahaha salamat ken!! edi yun, nasimulan ng ngiti ang araw ko... HAHA (nung gabi kasi, naiinis ako... badtrip... LOL)

tapos nun, kumain na ko then nag-ayos.. pupunta kasi ako sa dentist ko para ipaayos yung nawasak kong retainers... hahahahah at para mag palinis na rin ng ngipin... HAHAHA

ang sarap sarap magpalinis ng ngipin... amp.. nakakangilo......... hahahaha pero ayos lang... LOL tapos yung retainers, hayyy... babalik pa ko sa tuesday para makuha yun... hindi na daw kasi pwedeng irepair yun... gagawa na daw ulit ng bago... HAHA.. kaya naman kasi nasisira ang mga retainers ko kasi nilalaro ko sa bibig ko... LOL weEeeeeeee

tapos nun, around 11.. nakabalik na ko dito sa bahay.. kumain ng lunch! ang sarap ng lunch namin!! tos yun.. OL ulit!! then mga around 12.. alis na ko dito.. punta sa bahay nina Tricia para sa project namin sa math...

pagpunta ko sa bahay nila, wala sila dun.. nasa rob sila.. so sumunod ako sa kanila dun.. andun sina daphne, James at tricia.. hahaha bumili kami ng mga gagamitin para dun sa project!

after that, punta na kami sa bahay nina Tricia para pag-usapan kung anong gagawin namin! hahaha ang saya! dami kong natutunang magic!! HAHAHA ang master magician ay si James... amp... HAHA... basta ako ay may alam na magic.!!

i can read your mind... LOL

tapos, dumating din sina pat at mykel.. HAHAHA ang saya..... Si Patrick ang naging unang biktima ko sa magic na tinuro sakin ni James!! HAHAHAH =)

tapos un, nung 4pm, umalis na ko kasi sisimba pa kami.. OPO, nakakabagbiyahe na akong mag-isa... =)

then simba kami sa Carmel...... LOL tos, uwi na dito sa bahay at eto ako ngayon nagbblog... LOL

popcorn yung kinain namin sa bahay nina Tricia.. HAHA salamat tricia! =)




Saturday, January 08, 2005

naulan lagi dito

Hindi mo maintindihan
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan

Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit

Kaibigan
Huwag kang magpapasindak

Kaibigan,
Easy lang sa iyak


Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan


Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan

Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
San’ dambuhalang kalokohan


Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay............

Kaibigan,
Wag kang magpapatalo
Kaibigan,
Itaas ang noo


Umaaraw, Umuulan
Rivermaya

ihjhoihbgoft

jkjkjdmcmvjdal;jfdcnv
sadfskj;fsdjfweoijrefnvn;asdfjklvsdc

dfdflcosdfv dssfsfvsv.
dfsdflkgflv,.,,fldldlekrmgldldoblf.dsserff... df
safdafsdf.sdfwfvfd..asf
klsfjvsdkl;dfv;aeriojdgn;bafgavasg.eria;dgkjadfvnvkfa;ksdfowerfnv

talk to me if you understand me.....................

up and go

all i want to say is

WTF.

Friday, January 07, 2005

....

im wasted..............................

im wasted no more.... haha..

hayy...


Thursday, January 06, 2005

turon



Kumuha ng saba
balatan mo ng maigi
hiwain sa gitna
(sa pamamagitan ng kutsilyo)
ipatong sa pambalot
(ilagay sa bandang dulo)
ikaw n ang bahala ng magpasok sa alinyado

huwag kalimutan ang langka
irolyo ng maayos
(hanggang sa kabilang dulo)
ikaw na ang bahala kungnakabukas o selyado

painitin ang matika
sa naglalagablab na kawali

isunod mo ang asukal
(hintayin itong matunaw)
kapag ito'y nangyari
ilusong na ang pinaghirapan

haluin dahan dahan
hanggang ito'y maging medyo brown
iahon mo na(yeah!!nasusunog)ang turon

anong maling ginawa mo
nasunog ang turon
iahon mo na(yeah!!nasusunog)
iahon mo
nanasunog ang turon
nasunog lang
nasayng ang turon
nasunog lang ang turon

Turon
Kamikazee

siops...

flying french fries

Wow. First time kong magpunta sa Public Library ngayong araw na to. Nagpunta kami kaninang umaga ng mga ka-group ko sa Filipino para sa research paper namin tungkol sa mga tauhan ng Noli Me Tangere. Haha Usapan kasi 10am sa McDo pero 9am na kong nagising eh.. kaya 11am na kong nakarating.. haha sensya na at pinaghintay ko pa kayo.

walang pasok!!!!! freakin stallion holiday namin ngayon pati bukas..

Destination: Public Library
Meeting Place: McDo Bayan
oras: 10am

oras ng gising ko: 9am

LOL.. late nanaman ako..

pagkagising ko kasi, pc na agad ang kaharap ko.. HAHA browse muna bago lumabas ng kwarto.. may meeting nga pala kami ngayon para nga dun sa research paper.. pinaalalahan na ko ni yvonne kahapon: dalhin ang id.. syempre dinala ko naman.. hahaha minsan kasi napakakalimutin ko eh buti na lang may mga taong nagpapaalala sakin.. salamat sa inyo..

tos yun, nag-ayos na para pumunta sa pupuntahan(lol) dahil late na kong nagising, hindi tuloy ako nakasabay sa daddy ko kaya nagbiyahe na lang ako.. oo.. nakakapagbiyahe na po ako.. sa wakas..

pagdating sa library, hmm.. syempre tahimik kami.. haha.. first time ko kasing magpunta sa public library.. astig din pala.. edi yun, hanap kami ng libro tungkol sa tauhan ng noli pero sa pinagkatapusan, wala naman kaming nagamit na libro.. wala kasi dun ang hinahanap namin.. edi yun, upo muna kami, usap usap kung anong gagawin.. HAHA may computer nga pala dun, kaya AYOS! internet na to! so yun, punta ko sa pc nila.. free internet.. nakakatuwa pa nito, ung clerk dun, nagffriendster... wtf.. hello... library po ito... anyway none of my business.. pero kakatuwa.. la lang.. then un, tinanong ko kung pwede bang magbrowse. Tinanong nya kung anong i-bbrowse ko (friendster po ba pwede??LOL) edi sabi ko, tungkol po sa Noli.. "Marami kaming books dyan tungkol sa Noli" (aba't ayaw pa yata kaming pagamitin ng pc..) "Wala po kasi sa mga librong yun ang hinahanap namin.." Ayun, pinag-log-in kami at sinabing "15 mins lang ha." LOL

15mins ng research.. ayos din.. nagkameron kami ng idea kung san makakakuha ng mga libro...

tapos nun, pinaalis na kami.. kasi lunch break na daw nila.. punta namin ulit kami sa mcdo para maglunch din..

dun na talaga ang masayang part.. haha ang pagkain namin sa mcdo..

Madami kami eh.. Ako, si Yvonne, Anton, Raemart,daphne at James. Nakasabay din namin ang group ni aaron.. Andyan sina tricia,K-ann,Lynette,Niki at arik.. Dumating din sina mykel, Jordan at Mark.

edi kagulo na naman... nagulo ang McDo..

mga pasaway kasi kami pag nagkakasama.. hayy.. ang kulit namin..

nakakita na ba kayo ng:

-lumilipad na french fries (ung pinatatalon..haha)
-lumilipad na burger patty (ganito un, ung burger patty "binala" namin sa straw then konting hangin lang AYUN! fly away burger patty! LOL)

ang ingay pa namin nun.. asaran.. kulitan.. kwentuhan.. hayy.. ang saya =)

pati nga ung mga tira tira namin ay nababoy... kakahiya... haha.. parang mga hindi lasalyano eh! "clean as you go"..

sabi nga ni Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."

Pero anong ginagawa namin!! bwahahaha.. kaya ang ginawa namin, inayos namin ang kalat... inihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok na basura.. LOL (kung hindi nyo kasi alam, wala ng nangungulekta ng basura dito sa Lipa.. wala na yatang mapagtapunan kaya iniencourage ang lahat na magsegregate ng kanilang mga basura.. ung mga nabubulok, "ililibing" sa bakuran.. and di nabubulok, pinagkakakitaan:dinadala sa junk shop)

basura dito .. basura doon.. basura.. basura.. kalat.. kalat...

basta un.. magulo pa rin kami.. pero lahat nga may katapusan.. haha

oras na para mag-paalam.... so inayos nanamin ung para sa filipino namin.. hinati ung task.. astig... gusto ko ng mga group works.. masaya kasi..

and then.. balik na ulit dito sa bahay.. mga around 1pm un... then tulog hanggang 5pm.. hayy .. kakapagod..

kabataan: pag-asa ng bayan.. kahit sa maliit na bagay na ginawa namin (ung pagaayos ng kalat namin HAHA) maipapakita na kami nga ang pag-asa ng bayan..

LOL

teka, hindi nga pala regular fries ang inorder ko.. tsk tsk.. nag go large ako.. hayy...




Sunday, January 02, 2005

paraluman

hayyy...... masaya..

kumain kami sa labas... kasama lolo at lola ko..

tamang tama to.. interview nanaman...

pag mga ganitong pagkakataon.. tinatanong ko ang lolo ko.. tungkol sa mga nanayari nung panahon nila.. HAHAHA para malaman ko kung totoo ba yung sinasabi samin nung mga history teacher... panahon ng hapon, amerikano, martial law.. lahat na... lol basta yung naabutan nila..

eh tamang tama.... hindi matanggal sa isip ko ung tanong na "Sino si Paraluman?"

may mga nagsabi na si Paraluman ay si:

-Mona Lisa (LOL)
-isang pangalan ng babae; marahil yung lola nung nagcompose ng Huling El Bimbo
-isang matagal ng artista

hindi ko malaman kung alin ba sa mga to ang tama.. kaya itinanong ko na lang sa higit na nakakaalam: sa lola ko..

Si Paraluman daw ay artista noong 1970s.. Nakita na daw ng lola ko si Paraluman.. nagpunta daw dito sa Lipa.. Maganda daw.. Black beauty.. hhmm ayun... FilAm daw un... ang surname daw ata ay O`Brian... Paraluman O`Brian.. HAHAHA..

So, sya pala si Paraluman... Sya kaya ang tinutukoy sa kanta ng Eraserheads..

Marahil nga..



Saturday, January 01, 2005

unang el bimbo

naglilinis ako ng kwarto ko, ng biglang masulyapan ko ang isang pakalat-kalat na cd.. walang label..pero may idea na ko kung anong laman nun.. syempre, andito sa kwarto ko eh, ibig sabihin napakinggan ko na yun dati.. pero para makasigurado, inilagay ko ung cd sa boom box (syempre, hindi naman magsasalita yung cd kung anong mga kanta ang nakalagay sa kanya), tos un... tama nga ang hinala ko.. mga kanta ng eraserheads,freestyle at kung ano pa.. sa daddy ko nga pala to.. na kinuha ko ng walang paalam.. hehe.. maganda yung mga kanta.. syempre, eraserheads ehh.. lol..

track 06 >>> Huling El Bimbo-Eraserheads

hayy.. eto nanamang kantang ito.. ang walang kamatayang Huling El Bimbo:

hmm.. sa totoo lang, hindi pa ko nakakakita ng nagsasayaw ng El Bimbo.. Pano kaya yun sinasayaw?

magkahawak ang ating kamay

Patay sa kembot ng beywang mo

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay

At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis kong braso


hmmm... magkahawak ang mga kamay? may pagkembot? magkaakbay? at dumudulas ang kamay sa mga braso? iyon pala ang El Bimbo..

pero... hindi ko pa rin mailarawan sa isip ko.. Isayaw mo kaya ako?

teka muna.. sino ba si Paraluman?

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa


sino sya...

Huling El Bimbo: kanta tungkol sa pag-ibig..

ang pag-ibig ay parang sayaw..

may simula at syempre may katapusan..
pag-andun ka na sa gitna at nagsasayaw, wala ka ng pakialam sa mga nakapaligid sayo.. yung kapareha mo lang ang laman ng isip mo..

ang pag-ibig ay parang El Bimbo..

Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

ang pag-ibig ay parang El Bimbo..

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

dumadating sa buhay mo ng hindi mo namamalayan..

ang pag-ibig ay parang sayaw..

At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

may katapusan..

ayon sa kantang ito, ang makapahihiwalay lang sa "nagsasayaw" ay kamatayan...

ganoon pala ang pag-ibig..

pero... sa totoo lang.. hindi pa ko nakakapagsayaw ng El Bimbo.. isayaw mo kaya ako?

hmmm.. kelan kaya ang una kong El Bimbo?


nakita ko na rin sa wakas

nakita ko na rin sa wakas..

ang matagal ko ng hinahanap...

ilang buwan na kong naghahanap sayo..

yun pala nandyan ka lang..

akala ko, iniwan mo na ko

akala ko, nawala ka na

yun pala, andyan ka lang..

nahirapan pa tuloy ako..

nung mga panahong wala ka,

nung mga panahong kailangan kita,

pero wala ka,

ngunit ngayon

natagpuan na kita

SA WAKAS

nakita ko na ang guitar pick ko..

hahahaha

HAPPY NEW YEAR :)