Thursday, January 06, 2005

flying french fries

Wow. First time kong magpunta sa Public Library ngayong araw na to. Nagpunta kami kaninang umaga ng mga ka-group ko sa Filipino para sa research paper namin tungkol sa mga tauhan ng Noli Me Tangere. Haha Usapan kasi 10am sa McDo pero 9am na kong nagising eh.. kaya 11am na kong nakarating.. haha sensya na at pinaghintay ko pa kayo.

walang pasok!!!!! freakin stallion holiday namin ngayon pati bukas..

Destination: Public Library
Meeting Place: McDo Bayan
oras: 10am

oras ng gising ko: 9am

LOL.. late nanaman ako..

pagkagising ko kasi, pc na agad ang kaharap ko.. HAHA browse muna bago lumabas ng kwarto.. may meeting nga pala kami ngayon para nga dun sa research paper.. pinaalalahan na ko ni yvonne kahapon: dalhin ang id.. syempre dinala ko naman.. hahaha minsan kasi napakakalimutin ko eh buti na lang may mga taong nagpapaalala sakin.. salamat sa inyo..

tos yun, nag-ayos na para pumunta sa pupuntahan(lol) dahil late na kong nagising, hindi tuloy ako nakasabay sa daddy ko kaya nagbiyahe na lang ako.. oo.. nakakapagbiyahe na po ako.. sa wakas..

pagdating sa library, hmm.. syempre tahimik kami.. haha.. first time ko kasing magpunta sa public library.. astig din pala.. edi yun, hanap kami ng libro tungkol sa tauhan ng noli pero sa pinagkatapusan, wala naman kaming nagamit na libro.. wala kasi dun ang hinahanap namin.. edi yun, upo muna kami, usap usap kung anong gagawin.. HAHA may computer nga pala dun, kaya AYOS! internet na to! so yun, punta ko sa pc nila.. free internet.. nakakatuwa pa nito, ung clerk dun, nagffriendster... wtf.. hello... library po ito... anyway none of my business.. pero kakatuwa.. la lang.. then un, tinanong ko kung pwede bang magbrowse. Tinanong nya kung anong i-bbrowse ko (friendster po ba pwede??LOL) edi sabi ko, tungkol po sa Noli.. "Marami kaming books dyan tungkol sa Noli" (aba't ayaw pa yata kaming pagamitin ng pc..) "Wala po kasi sa mga librong yun ang hinahanap namin.." Ayun, pinag-log-in kami at sinabing "15 mins lang ha." LOL

15mins ng research.. ayos din.. nagkameron kami ng idea kung san makakakuha ng mga libro...

tapos nun, pinaalis na kami.. kasi lunch break na daw nila.. punta namin ulit kami sa mcdo para maglunch din..

dun na talaga ang masayang part.. haha ang pagkain namin sa mcdo..

Madami kami eh.. Ako, si Yvonne, Anton, Raemart,daphne at James. Nakasabay din namin ang group ni aaron.. Andyan sina tricia,K-ann,Lynette,Niki at arik.. Dumating din sina mykel, Jordan at Mark.

edi kagulo na naman... nagulo ang McDo..

mga pasaway kasi kami pag nagkakasama.. hayy.. ang kulit namin..

nakakita na ba kayo ng:

-lumilipad na french fries (ung pinatatalon..haha)
-lumilipad na burger patty (ganito un, ung burger patty "binala" namin sa straw then konting hangin lang AYUN! fly away burger patty! LOL)

ang ingay pa namin nun.. asaran.. kulitan.. kwentuhan.. hayy.. ang saya =)

pati nga ung mga tira tira namin ay nababoy... kakahiya... haha.. parang mga hindi lasalyano eh! "clean as you go"..

sabi nga ni Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."

Pero anong ginagawa namin!! bwahahaha.. kaya ang ginawa namin, inayos namin ang kalat... inihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok na basura.. LOL (kung hindi nyo kasi alam, wala ng nangungulekta ng basura dito sa Lipa.. wala na yatang mapagtapunan kaya iniencourage ang lahat na magsegregate ng kanilang mga basura.. ung mga nabubulok, "ililibing" sa bakuran.. and di nabubulok, pinagkakakitaan:dinadala sa junk shop)

basura dito .. basura doon.. basura.. basura.. kalat.. kalat...

basta un.. magulo pa rin kami.. pero lahat nga may katapusan.. haha

oras na para mag-paalam.... so inayos nanamin ung para sa filipino namin.. hinati ung task.. astig... gusto ko ng mga group works.. masaya kasi..

and then.. balik na ulit dito sa bahay.. mga around 1pm un... then tulog hanggang 5pm.. hayy .. kakapagod..

kabataan: pag-asa ng bayan.. kahit sa maliit na bagay na ginawa namin (ung pagaayos ng kalat namin HAHA) maipapakita na kami nga ang pag-asa ng bayan..

LOL

teka, hindi nga pala regular fries ang inorder ko.. tsk tsk.. nag go large ako.. hayy...




3 Comments:

Blogger Ken said...

ok lang. alam nyo ba kung gaano ko kahirap gawin yang mga burgers at fries nyo. in 1-2 minutes kelangan ko makagawa ng 14 burgers. tapos ang fries e bago maubusan dun sa bin kelangan ko pa mag fill in ng pani bagong pack na lulutuin. pero ok lang =)

5:28 AM  
Blogger camyl said...

matatalo mo na ata si sponge bob sa paggawa ng burger patty eh.. hehe.. ang dami naman nun.. 14 burgers sa loob ng 1-2 minuto? wow... expert ka na siguro noh?!

tos sa fries... paborito ko yun.. haha. may naaalala ako pag nakakakita ako ng french fries.. ^^

11:39 AM  
Blogger Ken said...

yep pede 14. 50 seconds patty + 35 seconds bread + 10 garnish ^^ pede na pag sabayin ang bread at patty para mas mabilis ^^ at sino naman itong naaalala mo kapag nakakakita ka ng fries? si wimpy? di ga patatas yun

3:19 PM  

Post a Comment

<< Home