Saturday, January 01, 2005

unang el bimbo

naglilinis ako ng kwarto ko, ng biglang masulyapan ko ang isang pakalat-kalat na cd.. walang label..pero may idea na ko kung anong laman nun.. syempre, andito sa kwarto ko eh, ibig sabihin napakinggan ko na yun dati.. pero para makasigurado, inilagay ko ung cd sa boom box (syempre, hindi naman magsasalita yung cd kung anong mga kanta ang nakalagay sa kanya), tos un... tama nga ang hinala ko.. mga kanta ng eraserheads,freestyle at kung ano pa.. sa daddy ko nga pala to.. na kinuha ko ng walang paalam.. hehe.. maganda yung mga kanta.. syempre, eraserheads ehh.. lol..

track 06 >>> Huling El Bimbo-Eraserheads

hayy.. eto nanamang kantang ito.. ang walang kamatayang Huling El Bimbo:

hmm.. sa totoo lang, hindi pa ko nakakakita ng nagsasayaw ng El Bimbo.. Pano kaya yun sinasayaw?

magkahawak ang ating kamay

Patay sa kembot ng beywang mo

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay

At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis kong braso


hmmm... magkahawak ang mga kamay? may pagkembot? magkaakbay? at dumudulas ang kamay sa mga braso? iyon pala ang El Bimbo..

pero... hindi ko pa rin mailarawan sa isip ko.. Isayaw mo kaya ako?

teka muna.. sino ba si Paraluman?

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa


sino sya...

Huling El Bimbo: kanta tungkol sa pag-ibig..

ang pag-ibig ay parang sayaw..

may simula at syempre may katapusan..
pag-andun ka na sa gitna at nagsasayaw, wala ka ng pakialam sa mga nakapaligid sayo.. yung kapareha mo lang ang laman ng isip mo..

ang pag-ibig ay parang El Bimbo..

Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

ang pag-ibig ay parang El Bimbo..

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

dumadating sa buhay mo ng hindi mo namamalayan..

ang pag-ibig ay parang sayaw..

At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

may katapusan..

ayon sa kantang ito, ang makapahihiwalay lang sa "nagsasayaw" ay kamatayan...

ganoon pala ang pag-ibig..

pero... sa totoo lang.. hindi pa ko nakakapagsayaw ng El Bimbo.. isayaw mo kaya ako?

hmmm.. kelan kaya ang una kong El Bimbo?


4 Comments:

Blogger Ken said...

madali lang ang el bimbo. slow motion ng swing ^^ hehe magkahawak ang dalawang kamay, after 2 o 3 turns e itataas ng lalake ang kanan kamay over sa ulo ng babae papunta sa right shoulder ng babae. tapos ganun din sa babae. tapos pag pareho ng nasa shoulders ang kanang kamay dahan dahan tong dudulas sa bawat isa. ^^ gets mo? gulat ka no marunong din ako mag sayaw kahit papaano. sayaw robot nga lang ^^ si paraluman? isang pangalan ng babae. isang lumang pangalan. isa sa mga pangalan ng mga lola natin sa tuhod. pangalan ng lola siguro nung composer ang ginamit nya ^^

3:21 AM  
Blogger Ken said...

btw eto ang pic kasi baka maguluhan ka sa description ko ^^
[img]http://www.mtu.edu/parentnet/1998/pics/%20Swing.JPG[/img]

3:46 AM  
Blogger poLiN said...

ahh..un pla un.. lol.

8:03 AM  
Blogger camyl said...

wow.. nakakita na pala ako ng nagsasayaw ng el bimbo.. hindi ko nga lang alam na yun pala yun DATI, pero NGAYON, alam ko na.. hahaha

salamat sa inyo. :)

9:16 AM  

Post a Comment

<< Home