Saturday, June 17, 2006

katok

helpless na pre-school na iniwan ng mga magulang sa paaralan sa unang araw ng pasukan.

Yan ang naramdaman ko noong iniwan na ko sa dorm.

***



aircon ng kalikasan sa may bintana.
room PH317. first meeting in Philo 1. 7:00-8:30


"freshmen sa UP lingkod ng bayang inaapi." malaking responsibilidad ang pagiging iska. ang bawat pribilehiyo na nakakamtam namin ay may kapalit na pagmamalasakit para sa bayan na nagpapaaral sa amin.. ito ang pinupunto ng mga taong may matataas na posisyon na nagsalita sa harap naming mga "freshies" noong welcome assembly. anong magagawa ko para masuklian ang mga taong nagbabayad ng buwis na syang tumutulong sa pagpapa-aral samin? pano ko matutulungan ang mga Pilipino?

Hindi ko pa alam.

ano na. tapos na ang unang linggo ng pagiging freshman ko sa UP. ano nang mangyayari sa susunod na mga linggo?

ewan.

Sunday, June 11, 2006

yellow sky

post bago lumisan dito sa bahay.

hehe.. gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nakasama/nakausap ko ngayong gabi na to sa panonood ng mga gigs (callia*, 6cyclemind, sandwich sa rob at hale, sugarfree sa school)..

*hindi ko lang sigurado. paki-wasto na lang.. bagong band sila..

-yvonne
-pat
-lian
-je
-paul
-migy
-rem
-jett
-len
-anne

at sa mga taong nakilala ko/nakita sa unang pagkakataon

-sirjay
-janzy
-wen

salamat...

sana tinugtog ng Hale ang Yellow (kasi gusto kong marinig yun at dahil na rin ayaw marinig ni Paul yun lol). Pero hindi nila natugtog. sumigaw pa naman kami kasi tinanong nila kung anong gustong kanta -_- lol.. Blue Yellow Sky na lang ang itatawag ko sa kanta nila.. -_-

bbye... sa susunod na ulet.

"its still the same place and the same
environment (blckboards and ballpens and notes) jst
new faces and more fun....enjoy" - Dude Pepe

salamat...

Saturday, June 03, 2006

erythrocytes



Friday, June 02, 2006

a busy bummer

tanong: anong maaaring gawin sa makukulay na pahina ng Mtv Magazine (o ng kahit anong magandang magazine) matapos itong pagsawaan??



sagot: gawing kapakipakinabang. Maaring gawing cd-case.

Napapadalas na ang pag-buburn ko ng mga cds. Salamat dahil binigyan ako ni mama ng cd burner at ng blank cds. ngunit walang mga lalagyan yung mga blank cds kaya naisipan kong magimprovise na lang ng lalagyan.. at nakita ko yung mga magazine na nakatambak na lang dito kaya yun na lang ang ginawa kong damit para sa mga hubad na cds. lol. marahil ay nakakita na kayo ng mga ganun cd case. yung nasa papel. kadalasan dun nakalagay yung mga installer ng mga computer hardwares kaya ang ginawa ko, tinirace ko yung pattern nung paper case dun sa pahina ng magazine at ginupit pagkatapos ay tinupi at nilagyan ng masking tape. ayan.

***
Today's Adventure

1pm. Nagpunta kami ni Yvonne sa McDonald's Uptown para imeet sina Melai,Mina at Rem. Isosoli ko na kasi kay Melai yung mga anime cds na pinahiram nya sakin. Kaleido Star yung name nung anime at ito lang ang masasabi ko: Maganda. :) Salamat Melai. :) Naibalik ko na rin kay Carmina yung libro nya ng Memoirs of a Geisha. hehe! Salamat Minaaaaa :) Inintay namin ni Yvonne si Rem, pero 2pm na hindi pa rin sya nadating at hindi sya nagrereply sa mga text ko kaya naisip namin na baka hindi sya makakapunta. Kumain lang ako ng plain cheeseburger meal+sundae cone at pagkatapos nun ay pumunta na kami ng Robinson.

Umikot lang kami ni Yvonne sa Rob. Nakita namin si Lian at ang mommy nya dun sa may AutoLoad Center. Yung malapit sa Tokyo Tokyo. Tumingin kasi si Yvonne ng case para sa bago nyang cellphone pero wala nung hinahanap nya dun sa kiosk na yun. Pumunta kami sa taas at naka 2 lap ata kami sa pag-lalakad dun. Hehe. Nakita ko rin si Jett. Iniintay nya yata si Paul. Sina Jett at Paul nga pala ay mga kabatchmates ko na ngayong bakasyon ko nakilala..

Sa Rob. na rin kami nagkita ni Rem para isoli yung mga cds ko na pinahiram ko sa kanya nung Holy Week. hehe! Yakitate! Japan yung mga cds na yun. Hindi sya nakapunta sa McDonald's dahil may ginawa pa pala sya.

Pagkagaling sa Rob, pumunta kami nina Yvonne at Rem sa school para tingnan yung prices ng mga ticket para sa Hale/Sugarfree concert. Nakakatuwa na lang isipin na may ticket na tig 500 pesos.. -_- 150, 300 at 500 yung range ng mga tickets at sa tingin ko yung 150 ang bibilhin namin.. may kutob din kasi na pagdating mismo ng concert date ay napakalaki ng discount na iooffer para lang mabili yung mga tickets hehe! Nung nagpunta kami kanina, 10 % yung discount sa mga tickets.. lalaki din yung discount pagpalapit na yung concert date. hehe..

***

salamat sa mga dumadaan sa kalsada ko. :)

Thursday, June 01, 2006

kalsada




larawang iginuhit at kinulayan ni Camyl. drawing po yan ng 16 years old.. LOL -_-



kalsada............... naisip ko lang kasi napapansin ko pag sa tag board ang sinasabi ay "daan lang" hehe kaya yan.. daanan.. kalsada.. haha........ basta mag-imagine na lang muna kayo ng kalsada.. di ko maayos ung header.. kung ano-ano na lang ang nilagay ko.. loll

weeeeee wa....... sabog! BOOM!

june 6 - punta sa Kalayaan. ayos gamit. balik ulit sa Lipa.
june 10 - nood ng concert ng Hale/Sugarfree [calling all concertmates!!] lol!
june 11 - punta na ng Manila.
june 13 - *LET'S DO THE FIRST DAY HIGH!!*

BOOM! BOOM! BOOM! lols

Mga Patakaran sa Kalsada ni Camyl

* wag nyong susundin yung traffic light dun sa header... alam nyo na mangyayari pag ganyang klaseng traffic light ang ilalagay sa mga kalsada LOL

*free gas nga pero bawal ang sasakyan sa kalsada ko. Pwede lang kayong maglakad dito! Speed limit ay O kph dahil gusto ko kayong manatili dito! :)

*isuot ang pinaka komportableng sapatos sa pagdaan sa kalsada ko

*maaari kayong mag drive-thru. tingnan nyo na lang sa side bar LOL

yan muna sa ngayon.

BOOM!!!!!