Tuesday, March 28, 2006

skye




lazy afternoon with skye.. pangalan ng acoustic guitar ko.. my graduation gift from mama.. <3

under renovation ang kwarto ko kaya ganyan.. we'll be fixing my room this summer.. samahan nyo kong magpinta (with mama's consent) hehe.. gusto ko kasing pinatahan ang kwarto ko.. grey and pink?! hehe! sinabihan ko na si Aaron tungkol sa idea na to.. sabi ko tutulong sila sa pagpipinta.. hehe! hay..

goodbye to you - michelle branch tinutugtog ko..

medyo sablay.. lol.

nyt nyt..

Saturday, March 25, 2006

joyful day

nasa mood akong magpost ng mahaba ngayon. haha simulan natin nung Graduation practice namin.

Alam nyo bang tumakbo kami ng 2 rounds sa sentrum nung araw na yun?! bakit?? haha kasi late kami.. wahahha.. eh ang aga kong nagising nun.. nakapagpost pa nga ako dito bago umalis.. eh kasi ang tagal dumating nung sundo ko!! hayy.. pero ayos naman.. nakakatuwa din naman ung pagtakbo namin kahit na napagsabihan kami nung una.. hahaha..

*may utang pa ko kay sir loreto.. tanda nyo ba ung post ko dito na sabi ko may community service ako kasi nga dahil sa mga lates ko?? hehe.. pero wala akong community service... kami ni Matthew.. i don't know kung anong nangyari.. pero gusto ko sanang makabawi kay sir.. basta.. gagawan ko ng paraan..

anyway, edi un nga tumakbo kami. kasama ko ung iba kong classmates na late din! hahaha ang dami naming late (sa buong batch)!! ang dami naming tumakbo sa sentrum.. hahaha.. eh basta.. kakatuwa.. after nun, edi pinagpahinga muna kami sa bleachers (ang baet ni sir loreto. haha) tapos un pinabalik na ulit kami sa proper seats namin.. then yun.. katabi ko si Mina! haha siempre, Ramos and then Reyes..



ang magkatabi. haha

at napicturan namin ang "chaotic" na stage. (nga pala, ok na ung nasira kong camera! hahaha.)




edi ayan.. tapos un pala, may time na tatayo and then uupo kami.. HAHA basta! may mga cue words dun sa sinasabi nung speaker kung kailan kami tatayo or uupo or ililipat ung tali sa cap.. wahehehe! then after naming makapagpractice nang ganun, isa-isa na kaming umakyat ng stage habang tinatawag yung pangalan namin..

Ramos, Camille Regina A.

lakad.
abot ng diploma.
shake hands.
bow.
balik sa upuan.

hahaha.. kakatuwa... tapos nun after ng turn namin edi kwentuhan na.. haha ang tagal bago natawag lahat pero ayos naman! masarap panoorin ung mga kabatch mo na umaakyat at inaabot ang "fake dimploma" sa stage.. hahaha.. nasa may unahan kasi kami kaya nakikita namin ung mga nagbobow.. may mga pinapagulit.. heheh. nakakatuwa

tapos un.. natapos ang praktis.. kumain kami ni aaron sa mcdonalds ng ice cream. tapos uwi na ko sa bahay.. PC. YM. end.

haha. ayan ung sa graduation practice. ngayon naman ang ikkwento ko ay ang nangyari ngayong araw na to!!


ngayon araw na ito ay nakasama ko ang mommy, daddy ni jeanelle, si janina (lil sis ni jeanelle) at si audrey. Tumingin kami ng matitirhan namin sa Quezon City. Sa may loyala heights.

Nagmeet muna kami sa bahay nina jeanelle ng around 9.30 then after siguro 15mins ay umalis na kami. Weeeeeeeee.. byahe byahe.. kwentuhan kami dun sa back seat. eto sitting arrangement.




hahaha -_-. imaginine nyo na lang na top view yan. ok?!

ayan! dumating kami sa destination namin around 12.30. basta lunch time nun. Kumain muna kami sa may KFC Katipunan. Yum Yum. Tempura ang inorder ko. namiss ko bigla ang pagkain sa Japanese Restaurants! (dati kasi kumakain kami nina Mama dun sa Japanese Fast Food sa may SouthMall. basta! sarap dun...) anyway, after namin kumain pumunta na kami dun sa dormitory na sinasabi ni Audrez. hulaan nyo ang pangalan ng dormitory na yun.. hahaha Dormitoryana. wahahaha.. ayos yung place.. nagandahan ako dun sa garden sa baba..






maganda din ung rooftop nung sa Dormitoryana. Pero nung time na nagpunta kami dun, lunch break nung mga taong makakausap namin tungkol sa reservation kaya nagpunta muna kami ng UP.




tapos nagpunta kami ng Kalayaan residence hall para i-habol ung requirement para dun sa application ng slot para dun.. nagbabakasali lang na matanggap dun sa hall na un kasi madali pag sa loob ka mismo ng UP nakatira.. hehe pero ewan.. tapos nun.. nag-ikot-ikot kami sa UP.. hinanap namin ung International Hall ata un.. basta.. nagtanong din..

nakita ko ang bahay ng alumni kung saan madalas may mga concert.. hahaha tapos nakita ko rin ang sunken garden.... -_- iba ang naiimagine kong sunken garden.. akala ko nung una ko syang marinig may fountain dun o basta body ng water kasi nga SUNKEN eh.. un pala.... oval sya na below the ground? hhaha basta.... andun na lang sa multiply. Lagi ko kasing naririnig yung sunken garden pag may mga concert sa UP.. tapos after ng paglilibot namin, bumalik na kami sa Dormitoryana. Nakapag inquire naman kami.. tos un.. after nun punta kami sa My Place.. maganda yung lugar... promise.. bale ang pinagpipilian na lang naming tatlo ay yung Dormitoryana at My Place.. hehe..

ayan.. fast forward...

kumain kami sa GO nuts Donuts! hayyy... ang sarap talaga dun...





and introducing.. ang models ng Gonuts Donuts.



Auderz and Jeanelle.. weeehheee LOL


Kinain na lang namin ung donuts na binili namin sa sasakyan.. and we finally went home.. kwentuhan sa byahe... tawanan.. hehe.. hay.. ok tong araw na to..

Thank you sa inyo.. :)

wow.... nagayon na lang ulit ako nakapagpost ng ganito after a long time.. :)

update ko na lang ung multiply para sa pictures..

papa cologne. LOL

Dahilan

A song for nobody in particular. :)

alam ko nang pangalan mo
pati address at telepono
sa daming kwentong umiikot
alam ko na rin ang mga ayaw mo

ngunit lahat ng ito ay walang kahulugan
kung di rin lang ikaw ang natagpuan
ang pag-ibig ko ay walang saysay
kung di rin lang ikaw ang dahilan

naaalala ko ang dati
kasama hanggang hatinggabi
di bale na kung anung sabihin nila
habang buhay magtatabi

ngunit lahat ng ito ay walang kahulugan
kung di rin lang ikaw ang natagpuan
ang pag-ibig ko ay walang saysay
kung di rin lang ikaw ang dahilan

binabasa kita
malapit nang makita
isinusuri ko
ang mga letra

ngunit lahat ng ito ay walang kahulugan
kung di rin lang ikaw ang katapusan
ang pag-ibig ko ay walang saysay
kung di rin lang ikaw ang dahilan

kung di rin lang ikaw ang dahilan

Dahilan
Barbie Almalbis


New Layout.. but it's not finished yet.. i guess.. haha..

i always leave things unfinished...

Nyt Nyt!

Thursday, March 23, 2006

silent u

nag-iintay ako ng sundo ngayon.. pupunta ako ng school para sa graduation practice.. gusto kong i-update ang bagay na to pero pag gagawin ko na, tinatamad na ko. haha.. ang daming nangyari ngayong mga nakaraang araw..

yung iba sana hindi na lang natapos.

ung iba naman lumipas na..

yung iba, ayaw ko nang maalala..

haha.

concert ng up dharma down.. yun ang gusto ko..

kaya..

agos lang nang agos.

i can't please everyone.

Sunday, March 19, 2006

extract

i apologize.

sun and the sea.

fire and ice.

Got to update this thing.

soon..

Friday, March 10, 2006

promote beaches in the philippines

naku naku naku...

gusto nyo bang magpunta ng beach?

punta kayo dito

beach kunwari

nyahaha...

kanino kayang blog yan..

welcome back sa may-ari nyan..

lame lame ng title ko.. hhaha. -_-

Thursday, March 09, 2006

hay.................

:,(

twisted logic

does everything have to make sense?

senseless act.
senseless thoughts.

cause if everything has to make sense..

then what's the sense of being senseless...

fuck. right?.

lol.. hay..

Monday, March 06, 2006

press *



i have upload new pictures in my Multiply Account..

i'll update this thing tomorrow (maybe)..

1.10 in the morning and i'm still up.......

i still have to brush my teeth and fix myself before i go to sleep...

hayyy..

it's not right for you but it's right for me..

sana umulan mamaya.

Wednesday, March 01, 2006

kilowatt

come here..

my star is fading..

gusto kong maging malungkot ngayong mga panahong to.. pero hindi ehh.. bakit ang saya ko.. hehe.. nakakamiss din palang maging malungkot...

nabago ang mga plano ko.. kung sakali mang nakapasa nga ako sa UP, dun na siguro ako papasok.. malaking tulong din kasi yun.. mahal kasi sa gusto kong pasukan na school tapos hindi pa rin sure dun kung makukuha ko pa yung course na gusto ko..

2 araw na lang ang natitira at matataos na ang school year para sa mga level 10 na katulad ko.. lol.. babalik na lang kami sa last week of march para sa graduation practice. ang bilis.. di ako makapaniwala.. nung summer last year bago magsimula ang school year, nag-uusap pa kami sa telepono ni aaron tungkol sa 4th yr life.. mga expectations.. mga pangarap.. anong course na kukunin.. saan magcocollege.. tos ngayon.. eto na.. haha.. patapos na..

ang dami ko lang naiisip ngayon.. kailangan lang ng outlet.. haha..

mag diary na lang kaya ako.. minsan kasi pag sobrang personal na, ayaw ko nang ilagay dito.. pero minsan nailalagay ko.. then after mga 1hour, buburahin ko.. HAHA.. kaya maswerte ung mga nakakakita ng mga posts na yun.. tos bigla na lang mawawala.

LOL.

ayus.

up-dil

nung umaga, nagtext si lolo edward, tinatanong ang surname ko.. pero di ako nakapagreply kasi wala akong load..

better late than never...

nagreply ako kaninang hapon... tinanong pati ang full name ko..

lolo: Pasado ka upcat no? Dil. Hehe
ako: di ko pa alam lolooo.. ??
lolo: Pasado ka. Ddouble check ko. Congrats. Ü
ako: waaa?? hahaa anung corse lolo??
lolo: Haha. Diliman degree program with availble slots. Kgabi lumabas results. Ü
ako: iseeeee... haha salamat lolooo :) hayyy...
lolo: Congrats! Ü kala ko alam mo na. Hehe.

kala ko alam mo na.

hindi pa.. hindi nga ako umaasa na makakapasa ako sa UP kaya hindi ako nag-aatubiling malaman kung nakapasa nga ako.. wala pa rin kasing results sa internet..

pero naiisip ko lang, binigyan na ako ng pagkakataon para pumasok sa school na yun..

pero....