Sunday, July 30, 2006

solo

date to look forward to (darn!!)

Aug.18 Fri - Rockestra at Folk Arts Theater with Hale, 6Cyclemind, Up Dharma Down, Itchyworms and The Dawn

nakita ko to sa mailing list ng Urbandub. Ang ganda nung date kasi tapos na yung midterms namin sa date na yun.. darn.. Pat and Migy, eto na ulit.. Rockestra....... <333

***

ngayon na lang ulit ako makakapagupdate dito sa blog ko. Yehey! lol

ang daming mga nangyari sa nakalipas na dalawang Linggo. Sisimulan ko nang ikapit dito ang mga alaala ng mga pangyayaring iyon. haha



Photobucket - Video and Image Hosting
LRT 2 Station. Nakasakay na ko sa wakas sa unang pagkakataon sa LRT. nyaha. kasama ko sina Auderz at Mina dito. Astig palang sumakay sa tren. chug chug. chug chug. (mamaya lang ay luluwas na ulit ako at makakasama ko si Auderz. Sasakay nanaman kami sa LRT. yiheeeeeeee haha).

Photobucket - Video and Image Hosting
Anong Filipino ng 'study table?". nag-aaral ako dito para sa first long exam namin sa Geology 11. (nakuha ko na ang result ng exam ko. nakapasa naman ako. hehe)

Photobucket - Video and Image Hosting
Sedimentary Rocks. Sa geology 11.1 (Lab).


Photobucket - Video and Image Hosting
Shelves ng mga iba't-ibang bato. Nakakamangha. haha kaya hindi ko napigilang kuhanan to ng litrato.


Photobucket - Video and Image Hosting
Gawgaw. Vulcanism. Pinakita samin ng mga classmates ko na nagreport ang iba't-ibang uri ng pagsabog ng bulkan sa pamamagitan ng paggamit ng gawgaw at nung mini oxygen tank air tank nila! ayus!!


Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
sa panahong kumakalam na ang tyan ko dahil sa pagkagutom (hahaha) ngunit sarado na ang Mess Hall sa dorm sapagkat malalim na ang gabi, eto ang tanging makakain ko. salamat sa instant noodles.

Photobucket - Video and Image Hosting
Palasyo ng mga libro. Sa library ito ng Department namin. NIGS (National Institure of Geological Sciences). Nakakatuwang maglibot dito dahil may mga bato ka ring makikita sa ilang mga shelves. hehe.. maliit lang itong Lib. namin compared sa library ng College namin at lalo na sa Main Lib. -_- lol Dito ako minsan nagpapalipas ng oras sa pagbabasa kapag napaaga ang pagpunta ko para sa klase ko sa Geology 11.

Photobucket - Video and Image Hosting
Barbie Almalbis. Nagkameron sya ng talk at konting concert na rin sa Film Institute. kasama ko ang mga corridor mates ko (GA girls) sa pakikinig sa pagkukuwento tungkol sa kanyang buhay; her relationship with God etc.

Photobucket - Video and Image Hosting
Nakatalikod samin si Oble. Umaga ng Sabado last week ko ito kinuha. Naglakad kami ng kaibigan ko sa Acad Oval ng school at dumaan kami dito. Morning walk.. masarap maglakad.. ayun. hehe

Photobucket - Video and Image Hosting
Soc Sci 3. Nag-aaral para sa test namin tungkol sa anatomy. pero hindi natuloy yung test... -_-

Photobucket - Video and Image Hosting
gusto ko ng lapis. Procrastination ko sa pag-aaral ang pagddrawing ng kung ano-ano pag nabore na ko sa pagbabasa ng mga readings.. doodle lang nang doodle..

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
krayola at lapis. mga kasama ko sa panahon na nabobore ako sa gitna ng pag-aaral.. wala kasi akong computer dun eh..

Photobucket - Video and Image Hosting
string section ng orchestra ng school namin. galing sila sa astig na college of music. bumisita sila sa dorm namin upang tugtugan kami. hehe.

ayan.. hmmm. at kahapon ay umuwi ako dito sa Lipa. Nakauwi akong mag-isa. walang kasama. solo. at nakarating naman ako ng buo. hehe.. ang daming mga bagay na nalaman kong kaya ko pa lang gawin.. tulad ng panonood mag-isa ng concert at paglalakad mula sa bayan dito sa lipa hanggang sa Miracle Heights. =)

Birthday nga pala kahapon ni Yvoneeeeeeeeeee <333 nagkameron kami ng simpleng celebration nina Audrey, Aaron, Pat at Jordan. Sa school kami nagstay nung hapon at dumaan kami sa Rob. bago kami umuwi. basta... basta... LOL

ang mga larawan na susunod ay kinuhanan gamit ang magandang camera phone ni Aaron. hehe!! =D

Photobucket - Video and Image Hosting
Sa oval naganap ang shooting dito. hehe! maliban na lang dun sa last picture na sa may Chez kinuha.

Photobucket - Video and Image Hosting
Pat at Aaron, salamat sa pagkuha sakin ng litrato. hehe.. inutusan ko kasi silang kuhanan ako.. ayan.. haha.. kunwari model.. lol model ng yoga?? -_- hmmmmm

at para sa pang finale, inihahandog ko ang mga larawan na ito LOL

Photobucket - Video and Image Hosting
Aaron, ililibre kita ng 1 taon supply ng caramel sundae pag nabuhat mo yan. HAHAHA

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting



ayan.. aalis na ko. luluwas na ulit ako kasama si Auderz <3.. hahaha.. sige sige. sa susunod na ulet! salamat. :D

Saturday, July 15, 2006

GA-21



Buti pa yung lapis. Nakahiga na at natutulog. Hindi nya kailangang mag-aral ng Math.. Bukas na yung 1st test namin sa Math nung kinunan ko to.. Hindi ako makafocus sa pag-aaral. haha hindi naman kasi ako ganun.. pero dahil college na, kailangang magbago na. talaga lang ha.


classifying minerals. geol 11.1 Lab. may major subjects na agad kami.


nakaupo sa sahig ng Palma Hall. Naghihintay para sa sunod na klase: Art Study.. pinili ko ang subject na to kasi akala ko gagawa kami ng art. LOL pero hindi pala.. "We won't do art. We will talk about art." ayan ang sabi ng prof namin..


Fresh to Play. Freshie Concert. Napanood ko ang Up Dharma Down dito.. un ang pinakahihintay kong banda.. pero para kaming mga cinderallas dito dahil ang curfew sa dorm namin ay 12am.. -_-



17 na ako. Maraming salamat sa mga GA Girls (GA ang pangalan ng corridor namin) dahil sa mga lobo na ito.. ang sarap ng pakiramdam. para akong naging bata ulet. hahaha


Green t-shirt. nasa wish list ko nga pala ito. haha. salamat polin+kaycee <333 suot ko to nung Friday. =)


Masarap ang may kasama. haha. mga teddy bear to na nakakabit sa bag ko. Walang magawa habang naghihintay kami sa prof namin sa Philo1. kaya yan..


ilaw sa bus. Byahe. tama. Nakapagbyahe ako nang walang kasamang matanda. LOL kasama ko yung dorm mate ko sa pag-uwi.. makaya ko kaya na ako lang mag-isa? tingnan natin...



nakakabaliw. nakakaaliw.

Saturday, July 01, 2006

emotively neutral language

{lakad, tawid, para, sakay, upo, "bayad po", para, baba, lakad ...}

kumusta na mga kaibigan? haha Sana ay ayos lang kayong lahat. gusto ko lang magpost dito nang kung ano.

artstud1
philo1
socsci3
geol11
geol11.1
math17

18 units

acads. xtra. fun.

whatever.

namimiss ko na ang camera namin..

jbb44 jb44 jb44 jb44 jb44 jb44 jb44 jb44 jb44 jb44

nabura lahat ng laman ng cellphone ko: mga larawan, corny jokes, quotes, scheds, contacts LAHAT. kaya naman yung mga larawan na dapat ay ilalagay ko dito ay nawala na parang bula. HAHA. may isaw pa naman dun.. -_- anyway, move on move on!


emotive language
mga salitang pare-pareho lang ang kahulugan pero iba-iba ang idunudulot na emosyon