Thursday, December 28, 2006

pp.101-152

IMPRESSIONS OF A PILOT

Flight is freedom in its purest form,
To dance with the clouds which follow a storm;

To roll and glide, to wheel and spin,
To feel the joy that swells within;

To leave the earth with its troubles and fly,
And know the warmth of a clear spring sky;

Then back to earth at the end of a day,
Released from the tensions which melted away.

Should my end come while I am in flight,
Whether brightest day or darkest night;

Spare me your pity and shrug off the pain,
Secure in the knowledge that I'd do it again;

For each of us is created to die,
And within me I know,
I was born to fly.

Poem's not mine.. Nakita ko to sa Friendster profile ng isa kong kaibigan na pumapasok sa aviation school..

Hindi ko alam.. Pero sa mga panahong naiisip ko kung ano bang gusto kong mangyari sa buhay ko hindi maalis sa isipan ko na matupad ang childhood dream ko.. ang maging isang piloto balang araw.. Medyo nawala sa isipan ko ang pangarap na yan noong panahong nagfifill-up na kami ng mga application forms para sa college.. Narealize ko na lang ulit ang dream na yan noong tinanong ako ng isa kong teacher noong elementary kung ano ang course ko at sinabing "akala ko ba magpipiloto ka?".. at simula noong araw na yun, hindi na naalis sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon..

ayan.. ito ang "gumugulo" sa isipan ko ngayon.. kung paano ko matutupad ang pangarap na yan sa kalagayan ko ngayon. haha.. Daming dapat isipin gawin..

Ano ba talaga Camille?

?

Tuesday, December 26, 2006

new skin

Photobucket - Video and Image Hosting


Skies. Madami pala akong litrato ng langit dito sa computer ko. lol.

Hay ano ba. Ngayon na lang ulit.. Ngayon na lang ulit! Kumusta na kayo?! Salamat sa mga bumibisita pa rin sa blog na ito. Ilang buwan na tong hindi na-uupdate. Haha.

Magsisimula ulit ako! ok?! Tulungan nyo akong magsimula ulit dito sa pagsusulat sa blog. Sisikapin ko na ngayon sa pagkakataong ito na hindi gawing DIARY ang BLOG. HAHA. Natatawa lang kasi ako nung tiningnan ko yung archives ko. Parang diary na yung dating nitong blog na to! hihihi. Basta! Walang rules rules dito sa pagsusulat!! weakness ko yun eh. haha. Ayoko na rin lagyan ng "haha" yung mga post ko. pero hindi ko mapigilan kasi ganun akong kasaya pag naglalagay ng kung-ano-ano dito sa blog. HAHA. ayan nanaman. -_- eh basta! Madaming nangyari.


Kasama ko dito ang mga dorm mates ko. :) haha


Gusto ko lang ikwento sa inyo ang pangyayari na nagpaalala sa akin ng pakiramdam ng pagiging bata. Hindi lang basta bata kundi bata na nadapa.

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nadapa nung kamusmusan ko. Basta ang naaalala ko lang ay si lolo ang naglilinis ng mga natatamo kong sugat noong malikot na bata pa ako. Pinapagalitan nya ako pagnagkakasugat ako. lol.

Kahit matanda ka na, pwede ka pa ring madapa!

Nadapa ako mga tatlong linggo na ang nakakaraan. Nagtamo ng sugat ang kaliwang tuhod ko. Pero magaling na sya ngayon. Scabs na lang kung baga ang sugat ko. LOL. Naghihintay ng "new skin". Nangyari yung pagkakadapa ko noong Sportsfest sa dorm namin. Kasali ako sa team ng basketball girls. Sa championship game namin nangyari ang insidente. lol. Nakakatawang pangyayari at nakakalungkot din. Nakakatawa dahil nakadapa talaga ako sa "fatal" court ng dorm namin. Para daw akong cartoon character na nadapa. Malungkot dahil masakit yung sugat.. Namiss ko agad ang lolo ko. Sina mama, ate aning, carol, eyang haha.. lahat ng tao sa bahay.. Ewan ko ba. Wala kasi sila noong nasaktan ako.. :( Nagpadala rin ako sa Infirmary sa UP para ipalinis yung sugat ko.. Ayun.. Nilagyan ng Hydrogen Peroxide (chem LOL) at Iodine solution.. basta! at para sa finishing, tinapalan ng gauze. Ayos noh? Masterpiece ng isang doctor.

Lumipas ang mga araw na pilay ako maglakad. Mahirap at masakit kasing maglakad nung mga araw na bago pa lang yung sugat. Nagsuot ako ng skirt sa halip na pants para lang hindi madali yung sugat ko. Narealize ko na may silbi din pala talaga ang mga skirts hehe. Hindi kasi ako masyadong nagsusuot ng mga ganun damit. eh basta. Nakatulong ng malaki ang skirt sakin! lol

tapos, hindi ko pa magawang linisin mag-isa yung sugat ko.. kasi basta.. Buti na lang at tinulungan ako ni Pearlyn sa paglilinis ng sugat ko. Basta.

hmmm.. ayun.. gusto ko lang ipaalam na ayos din palang madapa. pero hindi talaga ayos yun. anti-thesis. eh basta. Sana madapa din yung bumabasa nito para maintindihan mo nang mabuti ang pinagsasasabi ko dito. hehe! JOKE lang yun :D

Ayos ah. Mas nauna ko pang tapusin itong post ko kesa sa kailangan kong gawing reaction paper. LOL.

Sige na. Sa susunod na ulit! Happy Holidays nga pala! :)

"Pag ang bata nadapa hindi pinagagalitan.. pag matanda at nadapa, yun ang pinagagalitan!" - Tita Mimi LOL