tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay..
natupad ang isa sa mga gusto kong mangyari. nakapanood kami ng rockestra. Kasama ko sina Migy, Pat at siempre, si papa. Kaming apat.
Pagkatapos ng buong araw na pagpaparaktis namin para sa mass dance, dumeretso na kami sa pagpunta dun. Hindi pala. lol. Umuwi muna kami para mag-ayos kasi naman, sobrang pawis yung naproduce namin sa pagpaparaktis maghapon. simula 8am hanggang 3.30pm po yung praktis. Mahirap. Wala naman kasing madali dito sa mundo. Pero masaya naman. Natapos nanamin ang boogie at mambo namin :) (buti na lang talaga si Aaron ang kapartner ko. hehe! lagi naman!! pero thankful talaga ako kasi dahil dun, naeenjoy ko ang bawat praktis namin) anyway, hehe, un nga. siguro mga 5pm, dinaanan nanamin sina Pat at Migy sa bahay ni Pat. Nagpaalam sa mga parents ni Pat. Nagkameron ng konting chikahan. hehe!
Umalis na kami. Roadtrip.
Hay naku. sobrang traffic. Friday kasi? ay hindi pala. ang proven hypothesis daw nina Migy at Pat sa problem na yan ay "Mataba kasi si Polin". LOL.
hehe. ang saya ng byahe. Nakatext ko rin sina Mina at WJ nun. Si Mina, ininform ako na nasa wazap2 daw si Champ. wakokokocoke. Si WJ naman ay katext ko tungkol sa rockestra. Nanood din sya. wakokokcoke.
siguro around 7.30 na kami nakarating sa ATC (kailangan muna naming dumaan dun kasi may binili si papa. at dun na rin sana kami bibili ng tickets. Dun na rin kami nagdinner). Ang gulo nanaman naming tatlo. Nag-iba na nga pala yung mga fountains sa ATC. Dati kasi color blue yun. Ngayon eto na itsura nya LOL:
Pumunta kami ng Tower Records para bumili ng tickets. Kaso hindi kami umamot. Closed na ang TicketWorld ng 7pm. Kaya, dun na lang kami mismo sa Folk Arts bumimili ng ticket.
Darn. Nagtext na si WJ nun. Nagisismula na pero nasa ATC pa rin kami. LOL. Buti na lang at kinover ng 97.1 ang event na yun.. 4 bands ang hindi namin napanood (Cambio, Twisted Halo, Silent Sanctuary at Imago). Kasi sobrang traffic nga.. Pero ayos lang, napakinggan naman namin sa radyo.
eto lang ang masasabi ko. ASTIG. Napagsama nila ang rock at classical music. Nanghihinayang lang kami kasi hindi namin napanood yung sa Imago. Ang ganda ng Akap..
Nakarating kami dun pagkatapos magperform ng twisted halo. 175Php yung binili naming tickets kasi andun din sina WJ. Hinanap namin si WJ LOL. Nakita naman namin sya, kaso hindi na kami umupo dun sa side nila. Ang hirap kasing pumunta dahil maraming tao sa side na yun. Dun kami sa kabilang side. LOL.
Sugarfree
Ang astig.. Kinanta nila kasama ng Manila Symphonic Orchestra ang Prom, Burn Out at Tulog na. Imaginine nyo yun.. ang mga kantang yan na may halong tunog ng orchestra. -_- hayyy.. (sana may rockestra 2 LOL)
nga pala, tig dadalwa hanggang tatlong kanta ang bawat bands. hehe.
Sandwich
LOL. Ang galing nito. Ang astig nila. Ang kulit ni Raymond Marasigan (vox nila). Kinanta nila ang Humanda Ka, 2 Trick Pony at Masilungan... Ang galing.. Ang ganda.. Fusion ng orchestra at rock band..
hay.... haha. at alam nyo ba, ang galing ng concept nila. Yung mga bands ang naka FilipiƱana o semi formal attire tapos yung mga nasa orchestra yung naka pang rakista. LOL.
2 bands lang ang napanood namin out of 6. LOL. hehehe. Sobrang BITIN yun....
Ang sarap maging Pinoy.Umuwi na kami. Nakatulog ako sa byahe pauwi pero nagising din kasi nagstop over kami sa Petron sa SLEX. haha. Nagtagal kami dun. Ang kulit kasi naming tatlo.. Dumaan muna kasi sa Starbucks para mag window shopping haha!! tapos nun, nagpicture picture kaming tatlo... LOL:
pagkatapos nyan LOL, kumain kami.. eto kinain namin:
eto kami:
hay.. nakakapagod ang araw na yun.. pero sa kabila nun, naging masaya naman ako.. naging masaya kami.. Tama lang na paminsan minsa, magganito. LOL. dami pang nangyari eh.. pero hanggang dito na lang ang ibabahagi ko. :)
sa susunod ulit.
wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay...
pango.