mata
Sulyap
By:wicked01
“Linoloko ba ako ng aking mga mata?”
Yan ang una kong naisip nang nakita kitang dumaan sa harap ko. Ang bilis-bilis ng pangyayari. Sulyap mo lang ang natanaw ko. Ngunit sapat na iyon upang ibalik mo ang lahat ng alaala natin. Bakit ba ang sama-sama mo? Halos isang taong ang ginugol ko para lang makalimutan ka, ngunit sa isang iglap lang, sa isang sulyap mo lang, ibinalik mo sa akin ang lahat, ang lahat-lahat… Ang mga ngiti, ang mga saya, ang mga luha… ang sakit.
Ganon din ba ang nangyari sa ‘yo? Nang tumingin ka sa kaliwa mo at may nakita kang… Teka… Ano nga ba ako sa ‘yo? Panaginip o Bangungot? Ngunit kahit anuman sa dalawwa, kitang-kita ko pa rin ang pagkagulat sa iyong mga mata. Bakit nga ba?
Naramdaman ko ang kabog nd dibdib mo dahil ganung-ganun din ang nararamdaman ko.
Dire-diretso ako. Hindi na ako lumingon kaya hindi ko alam kung tuloy-tuloy ka rin ba sa pupuntahan mo o tumingin ka habang naglalakad ako papalayo.
Buong gabi hindi ako makatulog nang dahil sa ‘yo. Hindi ko matanggal sa isip ko ang unang beses na nakita kita. Natatandaan mo pa ba? Kakalipat ko lang noon sa eskwelahan mo. Naliligaw pa ako noon nang bigla kang tumigil sa harap ko. Sabi mo, napansin mong nawawala ako nang dumaan ako sa harap mo. Nagmagandang-loob ka at tinulungan mo ako. Simula noon, lagi na tayong magkasama.
Ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong buhay noon. Ikaw ang laging nasa tabi ko para patawanin ako. Kilalang-kilala ka na ng mga magulang ko dahil lagi kang nasa bahay. Hindi mo napapansin, ngunit unti-unti nang nahulog ang loob ko sa ‘yo. Mahal na mahal kita ngunit hindi ko masabi dahil kapatid lang ang tingin mo sakin.
Masakit, pero tiniis ko. Sapat nang makasama kita araw-araw at makita ang mga ngiti mo. Pero tuso nga ata ang tadhana. Simula noong araw na inamin ko sa sarili ko na mahal kita, hindi na ako makatingin sa mga mata mo. Natakot akong baka Makita mo ang lihim ko. Dahil kahit hindi ko man sabihin ang nararamdaman ko, alam kong hindi makapag-sisinungaling ang mga mata ko. Ikaw ang lahat sa akin.
Minahal kita ng buong puso ko kaya’t ang sakit nang bigla ka na lang nawala. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ko alam kung nagsawa ka bas a pagkakaibigan natin o kung may ginawa ba akong masama. Litong-lito ako nang bigla mo na lang akong iniwasan. Hindi ka na pumupunta sa tambayan natin, o kaya pag magkakasalubong tayo sa daan, iikot ka para lang maiwasan ako.
Hindi naman ako manhid. Halata ko nang ayaw mo na akong Makita o maging kaibigan. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ka man lang nagpaalam. Kaya’t masakit man, iniwasan na rin kita. Bumuo ako ng bagong mundo kung saan wala ka na. Madilim dahil ikaw ang ilaw ng buhay ko. Malungkot dahi wala na ang mga ngiti mo. Hindi man nagging madali, pinilit kong limutin ka katulad ng paglimot mo sakin. Pinalibutan ko ang sarili ko ng mga bagay na mag-aalis sa sipan ko ng mga alaala mo. Ang lahat ng pinagsamahan natin ay itinago ko sa kasuluk-sulukan ng durog-durog kong puso.
Pinilit kong alisin ka sa buhay ko ngunit hindi ko kaya. Pati nga nana ko nagtatanong kung nasaan ka na. Wala akong maisagot. Hindi ko masabi ang totoo. Ngunit kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan kong bumuo ng bagong buhay na wala ka na; kung saan ni minsan ay ‘di ka pa nakasama. Mahirap man, kinaya ko.
At heto ako ngayon, nakatingin sa kawalan dahil sa pangyayaring ‘di ko inaasahan. Nag-iisip na gibain muli ang buhay na isang taon kong binuo dahil lamang sa pagbabalik mo. Unti-unting hinilom ng labindalawang buwan ang puso ko ngunit nawala lahat iyon sa isang iglap lamang. Ang laki ko talagang tanga. Heto na naman ako, nagpapa-apekto sa ‘yo samantalang wala naman akong puwang sa buhay mo, sa puso mo.
Naiinis na ako. Ba’t ba tumutulo ang mga luhang ‘to sa mga mata ko? Sa lahat ng naranasan kong hirap at sakit, hindi man lang ako umiyak. At darating ka para lang paiyakin ako… Ba’t ba hanggang ngayon ay hawak mo pa rin anb guhay ko?
Magaalas-dose na ng umaga nang maka-tulog ako. ‘Di bale, sanay na naman ako. Sa pagdating nitong bagong araw, siyang bagong panako sa sarili na kakalimutan na talaga kita. Hindi pwedeng lagi mo na lang binubulabog ang tahimik kong mundo.
Siguro nga, pinlano ito ng Diyos – na makita uit kita. Sinusubukan siguro iya kung makakaya kong sirain ang buhay na pilit kong binuo sa pag-alis mo. Naiintindihan ko na, alam ko na ang tama kong gawin.
Bilang sagot sa hiling ko, nakita muli kita makalipas ng ilang araw. Ngunit hindi tulad noong unang beses na Makita kita, alam ko na ngayon ang gagawin ko.
“Uy, kamusta na? Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Nakita kita noong isang araw, pero dire-diretso ka lang. Saan ka ba pupunta ngayon? Samahan na kita..” sabi mo.
Kaso nakapag-desisyon na ako. Kung mahal mo nga rin ako, dapat sinabi mo na noon pa… Pasensya ka na… ayoko na… Mahal nga kita, pero ngayon, tapos na akong maghintay.
Sawa na ako sa sakit.
“Wag na lang, hindi na naman ako nawawala ngayon eh. Natuto na ako.”

ginawa to ng kaklase/kaibigan ko.. pinabasa nya sakin nung EB kanina..
sakto..
3 Comments:
hayyy..ganda nga yan...one of the essays sa folio na trip ko..
awww. natamaan ako dun ah.. hihi.. ang galeng.. sana nga maging STRONG tau.. ^_^
lol... wala lng... hehe
Post a Comment
<< Home