Friday, December 23, 2005

nobela

hay.. kakatapos ko lang ayusin yung bagong layout.. halos 3 buwan na yung "huwag mo akong kalimutan" na layout.. 3 months......

at sa panahong yun, alam kong kaya ko na... kaya ko na ulit na mag-isa. :)

mag-isa kasama sila. :)

ang hirap nga naman bago mo tuluyang matanggal ang sakit.. haha.. pero dahil magbabagong taon na, parang nabigyan ako ng pagkakataon na "baguhin" muli ang mundo ko.. gawin naman natin ngayong makulay.. yung hindi masakit sa mata.. haha..

2005: ang dami kong naranasan sa taong to.. hay.. at ngayon, ilang araw na lang, mag-papaalam na ang mga alaala na naiwan sa panahong yan..

January 20 2005
January 21 2005
February 10 2005
February 15 2005
February 24 2005
May 25 2005
July 7 2005
July 8 2005
July 9 2005
July 12 2005
September 17 2005
December 15 2005

marami pa siguro akong mga petsa na hindi nailagay dyan.. pero sa lahat ng mga araw ng taon, ang mga yan ang naalala ko agad...

marahil yung iba ay nakalimutan ko na dahil hindi masyadong maganda ang nangyari doon.. lol..

sa pagpasok naman ng bagong taon, magiging iba na ang mundo ko... Ilang buwan na lang, magtatapos na kami sa High School. Pero hindi ko muna iniisip yun kasi madami pang kailangang gawin bago maka-akyat ng entablado. haha.. baka kung anong mangyari.. hindi natin masasabi... malay nyo, matakid kayo sa stage.. hehe!

grabe.. ako ba tong nagttype dito?! anyway, tama na.. haha

i hate drama.

tulog na ko.

4 Comments:

Blogger poLiN said...

aww. oo, kasama mo kami :) hehe.

btw, ang cute ng bagong layout.

hay hay.

lapit na nga ang grad. lol. pero kaya natin toh! haha. lol. kaya nating hindi matakid sa stage. joke!

9:15 AM  
Blogger `p-a-t-- said...

tsk tsk.

dito lang kami.

pramis.

*akap*

10:20 AM  
Blogger camyl said...

andrama nanaman ng naipost ko kagabi.. hahaha..

salamat talaga sa inyo.......

kayo ang mga nagbibigay ng kulay sa aking buhay (nakssss! haha) yung kulay na hindi masakit sa mata O_O

dito din lang ako para sa inyo..

sana hindi tayo matakid sa stage.. hihihi

10:28 AM  
Blogger ---> mj said...

yehey graduation na. :)

kaya nga dapat kang mag pursige para macherish mo ung mga bagay eh. :)





:)

5:20 PM  

Post a Comment

<< Home