Wednesday, December 14, 2005

side gate

what a day..

last day ng exams namin ngayon.. hay.. just thinking of it makes me... -_-.

alam mo ba, blog ko, na hindi naging masyadong maganda ang araw na to..

una, away-bate na nanaman kami ni aaron.... nagalit talaga ako kanina sa kanya... :,( pero naayos naman eh... ganun naman kasi kami eh.. away-bate... away-bate.... hay.. pero talagang bad mood ako after ng exams.... kasi naman...

pangalawa, nagkatampuhan din kami ni mama... kasi yung galit ko sa school, nadala ko pati sa bahay.... kaya yun...... at this moment... hmm. siguro, cold treatment pa ko kay mama....

pangatlo, nasira yung lighter ni papa... hehehe... kasi pinakialaman ko yung lighter tos yun.. di naman sinasadyang masira ni Jordan... buti na lang ang bait ni papa... di yun nagagalit sakin eh..... -_-.... pero ramdam ko pa rin yung disappointment nya dun sa lighter na yun...

pero looking on the BRIGHT SIDE.

Christmas Party nanamin bukas! Pajama Party yung theme kaya naka-pajama kami.... hehehehe.. sige sige lang... tos yun.. nakasanayan na kasi ng clase namin every christmas party na yung food na dadalhin ay mahahati sa clase by month of our birthdays.. and for 3 years, sina Yvonne, Aaron, Jordan at Madaine ang nakakasama ko. July month kaming 5! hahaha.. ang napansin ko lang tlaaga sa group namin, lahat kami MALALAKI. LOL

Refregerated Cake.

eto ang pagkain na for 2 years nanamin dinadala sa christmas party at siempre kami ang gumagawa nun.. kaya kanina, andito sila sa bahay namin para gawin yun! hehehe.. and for the first (and last -_-.) time, nakumpleto kaming 5. nung past years kasi sina aaron at yvonne lang ang pumupunta dito... pero this time, completo na kami. :)

here's a peek of what had happenned. haha

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
eto yung lighter na sinasabi ko.... -_-.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

at ito ang ginawa namin.... this would be our "last" ref. cake.... for our "last" class christmas party.....

hay... and sa mga oras na to, nasa ref yang cake.. hahahaha... artistic decoration nga pala yan ni aaron.. flower mango..LOL.. for your info nga pala, si aaron ang aming master chef... galing magluto/mag bake nyan... lahat ata alam nyan...

hay... sige..... bbye na muna blog ko... next time na ulit.. pag hindi ako tinamad, baka kwentuhan kita ng nangyari sa christmas party.. hehe

sya nga pala, alam mo ba ang matatanggap kong gift?? ako alam ko na.. HAHAHA..

repacked version ng album ng orange and lemons at cd ng moonstar88. :)

salamat kay Ruby.. :)

sige.. babay.... nyt nyt..

4 Comments:

Blogger Lian said...

Ang saya! Christmas break nyo na! Kami kaya.. balak pang mag-class ng mga prof namin hanggang DECEMBER 22. Like don't they have any plans of celebrating Christmas!?

Hay.. pero mukhang university-wide boycott ang mangyayari pag ganun! hehehe. di na lang kami papasok.

Sana Paskuhan na! Dec. 20, here we come! (At gusto ko na ring umuwi at magpahinga) ^_^

Happy holidays!

8:05 PM  
Blogger poLiN said...

Lian, hehe, ang una kong basa dito "Sana Paskuhan na! Dec. 20, here we come! (At gusto ko na ring umuwi at magpahinga) ^_^" -> sana pasukan na! tapos sbi ko, ha? so, i read it again, un pla eh paskuhan. hahaha. wala lang.

camyl!
ansarap ng ref cake nio! hehehe. saka, pareho tayo. alam ko na ang matatanggap ko. LOL. mali, natanggap pla! tapos na kanina eh.

8:59 PM  
Blogger camyl said...

december 20.. lapit na rin yun Lian.. :)

polin! hehe! ayus ga ung ref cake?? haha... anung natanggap mong gift kanina??

11:56 PM  
Blogger poLiN said...

uu! ayos n ayos. sarap nga eh. lol. libro ang ntanggap ko. haha. si krist ang pumili. lol.

8:56 PM  

Post a Comment

<< Home