bitch
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw
ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako
daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming
lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at
makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito
naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna
tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,
naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang
na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
katawan ko, na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko
siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan
yung mga sadistang Hapon at Coo. Kase, ibang-
iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa
tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-
sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga
naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo - may
chocolates, yosi, ano ka! May datung pa!
Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang
ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa
kanya namin natutunan mag-inggles, di lang
magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang
tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay
may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa
kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng
I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na
daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang
animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad
sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay
namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi
ang mga anak ko. Yung iba nag-US,
Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos
lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko,
maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na
tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami
ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at
kayaman na itinatabi ko para sa punyetang
kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon
na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay.
Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at
sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng
magiging kasama sa buhay sa mga ahas na
ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga
ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak
kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na
nais nilang matamasa.
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang
pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong
ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na
lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa
lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na
kase ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa
pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang
ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang.
Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking
punyetang puder? Baka di na ako balikan o
bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi
na importante kung laspagin man ang ganda ko,
madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak
ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa
kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko
maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa
akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita
ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga
anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta.
Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali.
Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw.
Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit
sa isa't isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis
pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak
ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na
ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi
ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala
naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa,
magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong
darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang
susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko.
Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO
AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make
up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.

I can't give credit to the one who made this. I don't know who he/she is.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home